Tuesday, April 14, 2020

Birthday Surprise para sa Frontliner


  Si Jhamal Ali Inapan, isang frontline worker, ay maluha luha nang surpresahin sya ng kanyang dalagita para sa kanyang 27th birthday.
 Suot suot ang PPE o Personal Protective Equipment, sinalubong ni Alirie Jhoy ang kanyang Amang si Jhamal dala dala ang isang cake at sulat.

  “Happy Birthday my daddy. Keep safe always. I love you daddy. God bless you and more birthdays to come. Thank you for loving me, toto, and mommy.”



“Maluha-luha yung daddy niya kasi hindi niya in-expect na masu-surprise siya,” aniya ni Joli  Marie Garces Masa, misis ni Jhamal, habaning kinukuhanan nya ng litrato ang pagkikita ng mag-ama.

 Huling umuwi ng kanilang tahanan si Jhamal noong katapusan ng Marso sa kadahilanang isa syang Frontline Worker. Hindi nya kagustuhan pero kailangan nyang magsakripisyo alang alang sa kanyang mga anak na napakabata pa.

source: Manila Bulletin



No comments:

Post a Comment